Sa Araw-Araw

Mula sa Iloilo, hinahabi sa Hablon ang mga kuwento at alaalang bahagi ng ating pagkakakilanlan.

Isang telang naging bahagi ng ating pagkabata, suot tuwing Linggo ng Wika at sa mga panahong payak ngunit ngayo’y ilan sa ating pinakamamahal na alaala.

Sa ika-6 na koleksyon ng Namnama, binibigyang-buhay namin ang Hablon sa mga damit na maaaring isuot at maging bahagi ng ating araw-araw.

Dahil may mga alaala tayong nais balikan, at mga sandaling nais nating muling maramdaman. Sa bawat hibla, dala namin ang isang bahagi ng pagkabata – ng tahanan, ng kulturang kinalakihan at ng saya ng mga panahong nais nating balikan.